Sunday, November 18, 2012

Kulang Pa O Sobra Na?

Sabi nga nila, minsan ka lang naman daw magmahal. Kaya kung magmamahal ka lang din naman, lubos-lubosin mo na. Ibigay mo nang lahat nang kaya mong ibigay. Kumbaga eh, love like you've never loved before  o di kaya naman eh, love like you've never been hurt before. Kahit na may ibang mga nagsasabi na huwag mo rin ibigay lahat ng meron ka at magtira ka para sa sarili mo.

Tuesday, October 30, 2012

Rainy Days (from John Marty Mateo - re-post from Overheard At UP)

Kabisado ko na ang lugar na ito. Well-manicured ang lawn. Manmade ang lagoon. Flowering shrubs. Kahit simple lang ang libingan, halata pa ring puro mayaman ang nakalibing dito. Pero kahit yata nakapikit ako eh makikita ko ang puntod na 'to na nalililiman ng malalaking puno ng Acacia. Binasa ko ang naka-ukit sa lapida; Jazzmani Hontiveros at Anne Peach Torrs, died on December 16, 1999. Habang tinitingnan ko ang unti-unting pagtunaw ng kandila, hindi ko maiwasang isipin sina Jazz at Peach. At kung bakit nandito sila ngayon.

Monday, October 29, 2012

Twenty Questions: The Palanca Award-Winning Play by Juan Ekis (Re-Post from Overheard At UP)


Twenty Questions: The Palanca Award-Winning Play by Juan Ekis
by: John Calica

*********************************************************************************

Mga Tauhan:
JIGS – Fresh graduate, kabarkada ni Yumi. Magtatrabaho bilang researcher sa isang financial firm.
YUMI: – Commercial Model, kabarkada ni Jigs. 2 years ahead kay Jigs.

Ang Tagpuan:
Gabi. Sa isang kwarto ng isang beach resort.
Naglalatag ng kumot si Jigs sa sahig habang inaayos ni Yumi ang kanyang higaan.

*********************************************************************************

YUMI: Sige na, Jigs. Huwag ka nang magpaka-gentle man. Naaawa ako sa’yo e. Tabi na tayo sa kama.
JIGS: Hindi, okay lang ako dito.
YUMI: Huwag ka nang maarte. As if naman re-rapin kita no. Malaki naman itong kama e. Hatiin na lang natin sa gitna.
JIGS: Sure ka?
YUMI: Hindi mo naman siguro ako mamanyakin no?
JIGS: (Matatawa) Okay ka lang?
YUMI: Kung gusto mo, gamitin na lang natin iyang kumot na divider.
JIGS: Good idea.


Wednesday, October 3, 2012

I Love Girls

Hindi naman lihim sa iba ang tunay kong pagkatao. Isa akong babae na may pusong lalaki. OO, nagmamahal ako ng kapwa ko babae. Pero hanggang ngayun, hindi pa rin malinaw sa akin kung anu ba talaga ang gender ko. Sa mga babae nga lang ako nagkakagusto pero hindi ko pa rin naman inaalis ang posibilidad na maaaring may isang lalaki na magpabago ng mga pananaw ko sa buhay. Bata pa lang ako, alam ko nang may iba sa akin. May iba sa nararamdaman ko. Lumaki at tumanda akong may kaunting pagkamuhi sa mga kalalakihan. Kahit mali na isipin ko na lahat ng lalaki sa mundo eh mga walang kwentang nilalang. Hindi kasi maganda ang mga naging karanasan ko sa mga lalaking nakapaligid sa akin.

Monday, October 1, 2012

Masokista o Manhid sa Sakit?

Sabi nila masokista daw ako. 'Pag may sugat kasi ako, gusto kong nararamdaman na masakit yun. Yun bang tipong fresh at open wound pa eh hinahawak-hawakan ko lang o kaya binubuhusan ko pa ng alcohol. Atsaka ang tingin ko pa kasi, parang ang bilis maghilom ng sugat ko o yung sakit pag lalo kong dinadagdagan yung pasakit. Iba kasi yung feeling eh. Parang may ginhawa kang nararamdaman kahit na namimilipit ka sa sobrang sakit. May sinabi nga noon yung isa kong kaibigan. Sabi nya, minsan daw 'pag sobrang sakit na, dagdagan mo pa. Para eventually mawala rin yung sakit na nadarama mo.