Kabisado ko na ang lugar na ito. Well-manicured
ang lawn. Manmade ang lagoon. Flowering shrubs. Kahit simple lang ang libingan,
halata pa ring puro mayaman ang nakalibing dito. Pero kahit yata nakapikit ako
eh makikita ko ang puntod na 'to na nalililiman ng malalaking puno ng Acacia.
Binasa ko ang naka-ukit sa lapida; Jazzmani Hontiveros at Anne Peach Torrs,
died on December 16, 1999. Habang tinitingnan ko ang unti-unting pagtunaw ng
kandila, hindi ko maiwasang isipin sina Jazz at Peach. At kung bakit nandito
sila ngayon.
Team captain ng women's basketball ng UP si
Jazz. KAhit sikat siya sa campus, hindi siya ma-ere. Gayunpaman, sobra naman
siyang maloko at alaskador. Hindi yata lilipas ang isang araw nang wala siyang
inaasar. And one more thing: she was a lesbian-and proud of it. "Why
should i apologize for it?" 'yon ang standard answer niya everytime my
magtatanong sa kanya bout sa sexual reference niya. But i knew her well to know
that deep inside, she was hurting.
Galing sa prominente at konserbatibong pamilya
sa Cebu si Jazz. Kaya siguro hindi siya matanggap ng pamilya niya. Disgrace daw
kasi siya. Isipin mo nga naman, dating governor ang tatay niya at pari pa ang
isang uncle niya. Sa pamilyang tulad nila, nakakahiya nga namang magkaroon ng
anak na tibo or bading. Kinahihiya pa rin siya ng parents niya. HIndi raw siya
magsa-suceed dahil tibo siya. Paparusahan daw siya ng Diyos dahil immoral siya.
Kaya nga ganon na lamang ang tuwa niya ng pareho
kaming makapasa sa UP Diliman. Sa wakas daw, makakalayo na siya sa pamilya
niya. Matatahimik na raw ang buhay niya kahit paano. Alam ko sinasabi niya lang
yon pero masakit din sa kanya na hindi siya matanggap ng family niya.
Maliban sa pagiging team captain ng UP Maroons
Women Basketball Team, consisitent din siya sa pagiging college scholar. Pero
never na nalaman ng pamilya niya ang mga achievements niya. Paano ba naman,
simula ng dumating kami dito, pinadadalhan na lang siya ng pera ng parents
niya. Ni hindi man lang sumusulat o tumatawag para kamustahin ang anak nila. Si
Jazz din, hindi na nag-try na sumulat o tumawag. "Kung noon ngang kasama
ko sila sa bahay, hindi na sila interesado sa akin, ngayon pa kaya?"
katwiran niya sa akin ng kulitin ko siya na tumawag naman sa bahay nila. HIndi
na ko nakipagtalo. Buhat din non, hindi ko na siya kinulit pang sumabay sa
pag-uwi ko tuwing sembreak. Mula kasi nang dumating kami sa Manila, ni hindi na
umuwi sa kanila si Jazz, kahit Pasko. Tuluyan na siyang naging estranged sa
family niya.
Tuwing bakasyon busy siya sa paga-assemble ng
computer o pagdedesign ng website. Racket niya ‘yon at ‘yon din ang naging daan
para magkakilala sila ni Peach. Sa isang exclusive school nag-aaral si Peach.
Naghahanap ng web design ang sorority niya para sa web page nila. It turned out
that one of our classmates was her sis sa soro. Nirekomenda ng classmate namin
si Jazz. Isinama ako ni Jazz nang makipagmeeting siya kay Peach.
Peach was a stunner. With her doe eyes,
acquiline nose and creamy complexion, madaming nanliligaw sa kanya. Before I
knew it, nagko-confide na sa akin si Jazz. She was smitten daw by Peach’s
charm. I warned her to take it easy. Peach was so beautiful. Marami siyang
karibal. “Well, I’ve been turned down by my own family. One more rejection
wouldn’t hurt that bad,right?’’ She grinned. Natawa nalang ako sa sinabi niya.
“Bahala ka nga sa buhay mo,” sabi ko.
Ibang klaseng manligaw si Jazz. Simple lang,
minsan nga baduy na eh. Instead of flowers and chocolates, ginagawan niyang
funny cards si Peach. O kaya naman, dadalhin niya sa Sunken Garden at
pakakainin ng fishball at tukneneng, habang kinakantahan niya ng mga mushy
songs. Niloko ko nga siyaminsan. Sabi ko, paano siya magugustuhan ni Peach eh
ang baduy-baduy niyang manligaw. Katwiran naman ng gaga, hindi naman daw kasi
puwedeng lantaran niyang ligawan ni Peach. Una, bawal sa school nila. Madre
kasi ang nagpapalakad. Pangalawa, may sorority nga si Peach. Ano na lang ang
sasabihin ng mag sisses nito.?
Although Jazz was such a chrmer, nagulat pa din
ako nang sagutin siya ni Peach. I remember pa nga that time so well. I was
studying for my Math 17 dep exam nang dumiting siya sa apartment. She was
wearing this silly grin on her face. “Guess what?! Sinagot na ako ni Peach!” I
didn’t know what to say. Part of me was skeptical. Paano kung nagti-tirp lang
si Peach? Jazz had been through a lot and I didn’t want to see her get hurt
again. But the glint of happiness in her eyes somehow reassured me. It
convinced that maybe – just maybe – Peach was the person who would make Jazz
happy.
Peach easily fit in Jazz’ life. Kapag pareho ang
vacant periods nila, sabay silang kumakain ng lunch. Kung hindi naman, text
galore naman sila, reminding each other na wag mag-skip ng lunch, and other
mushy things. Kapag gabi na ang uwian ni Peach, susunduin naman siya. Minsan
nga nagseselos na ko. I felt na wala ng time si Jazz for me. Pero konsolasyon
ko na lang na makitang masaya si Jazz.
Nakita ko rin kung paano alagaan ni Peach si
Jazz. Binibilhan niya si Jazz ng vitamins, pinapagalitan kung hindi kumakain.
Nang magkasakit nga si Jazz, si Peach ang nag-alaga sa kanya for three days.
And one thing about them, they pulled each other up. They were each other’s
strenght. When the Maroons lost an important game to UST, Jazz was so
disappointed. And Peach was there to comfort her. She even cooked chicken
adobo, Jazz’ favorite food.
Before I knew it, Peach moved in with us. At mas
lalo kong nakita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Gustong-gusto ng dalawa
kapag malakas ang ulan. It was their excuse to just stay in bed, cuddling up,
drinking hot cocoa while watching a video. Sometimes, they’d curl up sa sofa
reading a book together. There was this time pa nga na naligo sila sa ulan. At
ang gagong si Jazz, kumuha pa ng sabon at shampoo! Feel na feel talagang maligo
sa ulan ni mokong.!
Minasan biniro ko si Jazz. Sabi ko kumusta ba
ang may active sex life? “!@#$!”, natatawang sabi ni Jazz. “pero alam mo”,
seryosong sabi ni Jazz, “Peach and I don’t have sex. We make love.” “!@#$ and
making love?” “What’s the difference?”, I asked. “I don’t know. It’s an
explicable feeling eh. It’s more than physical pleasure. It’s more of the mind,
of the soul.” “Corny mo talaga,” biro ko kay Jazz.
Kahit sobrang in-love sila, they were still
extremely cautios na wag malaman ng iba ang relationship nila. Ni hindi nga
nagho-holding hands kapag nasa public. Pero sabi nga, wala namng lihim na
naitatago. Eventually, nakaabot sa parents ni Peach ang balita.
Dumating ang parents niya sa apartment.
Napagkamalan pa ngang ako si Jazz. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto eh
tinalakan na ako. “Teka nga,” naiirita kong sagot, “eh hindi naman ho ako si
Jazz eh”. Narinig pala ni Jazz ung pagbubunganga ng mother ni Peach kaya
lumabas ito.
Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato
ng parents ni Peach kay Jazz. Kesyo idinadamay raw nito ang unica hija nila sa
pagka-immoral. Na wala naman daw mapapala si Peach sa isang tibo. Iyak ng iyak
noon si Peach, begging her parents to understand. Tahimik lang si Jazz,
nakikinig. Maya-maya tumayo ito. Umakyat sa kwarto nila. Pagbaba, may dala nang
bag, laman ang gamit ni Peach. “What are you doing?”, naiiyak nitong tanong kay
Jazz. “Sumama ka na sa kanila,” “You’re letting me go just like that?! Fight
for me naman, Jazz. Please.” Nakayakap na si Peach kay Jazz, halos lumuhod na
dito. Umiiyak na rin noon si Jazz. “I love you so much Peach. Ayokong danasin
mo ‘yung itakwil ka ng mga magulang mo.” Pilit inialis ni Jazz ang mga kamay ni
Peach. Ang tatay naman ni Peach, halos kaladkarin na siya palabas ng apartment.
“Jazz please!” pero tumalikod na si Jazz, umakyat sa kwarto nila to shut
herself from the world.
Ibang Jazz na ‘yung nakita ko after that. Naging
withdrawn, always staring off into space. Inaya ko nga minsang gumimik sa
Malate, pero pag nasa bar na, naka-upo lang, nagyoyosi, nagbubutas ng bangko.
Nabalitaan na lng naming nag-enroll sa ibang school si Peach. At hindi raw
maka-alis ng walang bantay.
Minsan nasa kalagitnaan kami ng klase noon ng
may nag-text sa kanya, tapos nagpaalam. Magsi-CR daw siya. Natapos na ‘yung
subject hindi parin bumabalik. Tinext ko siya, asking kung nasaan siya.
Maya-maya, tumawag, parang masayang-masaya. Huwag daw akong mag-alala dahil
she’s fine. Wish her luck daw. Nailing lang ako. “what are you up to nanaman
ba?” I asked her. “Basta!”
Gabi na akong naka-uwi that day, dahil sa pago,
nakatulog ako agad. Siguro mga ala-una yon, may kumatok. Hindi ko pinansin nung
una, akala ko nananaginip lang ako. Eh ang kulit. Bumaba ako at sinilip ko muna
kung sino yon. Aba, mahirap na noh.
Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na
pangyayari. I just found myself in the morgue, staring at Jazz and Peach’s
lifeless forms. Sabi nnga ng mga pulis, tinawagan daw sila ng mga room boys sa
isang motel sa may Harrison. Tapos na daw kasi yung short-time, hindi parin
lumalabas sa kwarto ang dalawa. Hindi naman daw sumasagot kahit kinakatok
kaya’t puwersahan ng binuksan. At tumambad nga sa kanila sina Jazz at Peach,
MAGKAYAKAP, PATAY. Nag-overdose ang dalawa. May nakitang note ang mga pulis. It
read: “IN ANOTHER LIFETIME, MAYBE WE COULD HAVE THE HAPPINESS WE DESERVE.”
Tinawagan agad ng mga pulis ang parents ng
dalawa. I was glad I didn’t have to talk to Jazz parents. Baka hindi ko
mapigilan ang sarili ko, kung ano pa ang masabi ko. The next morning, nasa
funeral home na sila. Unang dumating ang parents ni Jazz. Iyak sila ng iyak.
Pero hindi ko magawang maawa sa family ni Jazz. Mahal din pala nila ang anak
nila, bakit hindi nila ipinakita noong buhay pa ito? Nang dumating ang parents
ng Peach, nag-usap sila. Nag-decide sila na pagsamahin na lang sa isang
libingan ang dalawa.
Umuulan noong araw na inilibing sila. Just what
like what Peach and Jazz would have wnted. Pero this time, they were not curled
up in the sofa, drinking cocoa or cuddling. They were not out in the rain
playing like kids, oblivious to the stares and smiles of the passerby. They
were being lowered to the ground. Naisip ko, siguro mas masaya na ngayon yung
dalawa. For all we know, baka they’re cuddling right now.
Before, tinanong ako ni Jazz, “What’s wrong with
these people?” May nadaanan kasi kaming simbahan, tapos may streamer sila
announcing a healing explosion. Pati daw mga gays will be curedto their
homosexuality. Pikang-pika noon si jazz. Pero, ako naman tinatawanan ko lang siya.
Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko.
Now I know.
We’re bunch of hypocrites. All of us are sinners
trying to wash off our guilt by putting down other people. And such hypocrisy
led to the death of two people who loved each other so much. Their only sin:
they were both girls.
Its started to rain. At first ambon lang. I
watched as the flames tried valiantly to fight the onslaught of raindrops. Then
the flames flickered, and with the sudden gush of the wind, were suddenly
extinguished.
Just like Jazz and Peach succumbing to
pressures, I thought.
caught my attention sa profile mo lol bakit naman ganon may connection sa pag ibig? hehehe
ReplyDeletekung bakit po may connection sa pag-ibig yung post from overheard? yun po ba ang tanong nyo? hehehe, :)
ReplyDelete