Monday, October 1, 2012

Masokista o Manhid sa Sakit?

Sabi nila masokista daw ako. 'Pag may sugat kasi ako, gusto kong nararamdaman na masakit yun. Yun bang tipong fresh at open wound pa eh hinahawak-hawakan ko lang o kaya binubuhusan ko pa ng alcohol. Atsaka ang tingin ko pa kasi, parang ang bilis maghilom ng sugat ko o yung sakit pag lalo kong dinadagdagan yung pasakit. Iba kasi yung feeling eh. Parang may ginhawa kang nararamdaman kahit na namimilipit ka sa sobrang sakit. May sinabi nga noon yung isa kong kaibigan. Sabi nya, minsan daw 'pag sobrang sakit na, dagdagan mo pa. Para eventually mawala rin yung sakit na nadarama mo.


Pero sabi ko nga, baka naman kasi akala ko, masokista nga talaga ako.. Baka ang akala ko mabilis talaga naghihilom yung sugat o sakit pag dinadagdagan mo pa ng sakit.. Pero ang di natin alam baka namanhid na lang ako dahil sa sobrang sakit. Yun bang iniinda mo nalang yung lahat ng sakit, o kaya minsan ine-enjoy mo nalang yung feeling na nasasaktan ka. Para kahit madalas na mangyari sa'yo sanay ka na. Prang wala nalang sa'yo.

Tulad na lang pag nasasaktan ang mga damdamin natin dahil sa mga bagay bagay. O sabihin na nating, tulad ng pag-ibig. Minsan kahit sobrang sakit na sige pa rin tayu nang sige. Kasi hindi lang naman sakit yung nararamdaman natin pag nagmamahal tayo. Andyan pa rin yung kasiyahan. Yung magandang pakiramdam pag alam mong in love ka. Hindi mo naman agad agad mabitawan yung bagay na yun o yung tao na yun na nagpapahirap sa damdamin mo. Kasi kung iispin natin, kung bibitiwan natin yung mga bagay o tao na nagpapahirap sa atin, sabay na rin nun ang pagbitiw natin sa ating tunay na kasiyahan.

So ano ba ang dapat gawin? Kumapit ka pa rin at tiisin yung sakit? O bumitiw ka nalang at maghanap ng bagong magiging dahilan ng mga pasakit at sugat sa buhay mo?

</3

6 comments:

  1. Hello po,

    Can you resubmit a Description for your blog? I seemed to have deleted it. You may submit it through our Contact Us page.

    So sorry for any inconvenience this may have caused.

    Thank you,
    BNP admin
    blogsngpinoy.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi! Na-send ko na po. Thank you po sa pagdaan sa blog ko. >^.^<

      Delete
  2. Hello,

    Thank you for responding back to us.

    Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the BLOGS OF FAME and will be featured weekly in our Facebook page ;)

    For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    Thank you,
    BNP
    blogsngpinoy.com

    ReplyDelete
  3. Pero mahirap o sasabihin kong pangit kung masanay kang nasasaktan sabay naliligayahan, ibig sabihin lagi kang masasaktan sa hinaharap kasi naging norms mo nang masaktan.

    By the way, i like the song, anong title nung song?

    Thanks :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well, baka sanayan lang yan. joke, syempre pangit din nga yon. :) pero there will come a time na maaalis lang din lahat ng sakit.

      Yung background song po ba? The man who can't be moved. :)

      Delete
    2. Ah, nakita ko na, andun pala sa kanan yung mp3 player mo.

      Thanks!

      Delete