Wednesday, October 3, 2012

I Love Girls

Hindi naman lihim sa iba ang tunay kong pagkatao. Isa akong babae na may pusong lalaki. OO, nagmamahal ako ng kapwa ko babae. Pero hanggang ngayun, hindi pa rin malinaw sa akin kung anu ba talaga ang gender ko. Sa mga babae nga lang ako nagkakagusto pero hindi ko pa rin naman inaalis ang posibilidad na maaaring may isang lalaki na magpabago ng mga pananaw ko sa buhay. Bata pa lang ako, alam ko nang may iba sa akin. May iba sa nararamdaman ko. Lumaki at tumanda akong may kaunting pagkamuhi sa mga kalalakihan. Kahit mali na isipin ko na lahat ng lalaki sa mundo eh mga walang kwentang nilalang. Hindi kasi maganda ang mga naging karanasan ko sa mga lalaking nakapaligid sa akin.

Unang una na dyan ang sarili kong ama. Sa aking pananaw, hindi sya naging effective  na tatay para sa akin. Magmula noon ay inidolo ko nang mabuti ang aking ina at tinuring ko syang bayani ng aking buhay. Kung gaano kataas ang tingin ko sa aking ina, ganoon naman kababa ang tingin ko sa aking ama. Kasabay noon ay ang paghanga ko nang lubusan sa mga kababaihan. Nauwi ang paghanga ko sa kanila sa sobrang pagmamahal at pag-ibig sa kanila na dumating na sa puntong inisip ko nang masmagandang makasama sa buhay ang isang babae. Masmasarap mahalin ang mga babae. Ginusto na rin ng puso ko at ng buong pagkatao ko na protektahan ang mga kababaihan. Dahil sa aking pananaw na rin, ang paggabay at pag-aalagang i-aalay ko sa mga kababaihan ay iniaalay ko na rin para sa aking ina. 

Gayumpaman, wala na akong galit at pagkamuhi sa aking ama. Nagbago naman s'ya at hindi ko naman mababago ang bagay na tatay ko pa rin sya. Mahal ko sya kaya pinatawad ko na sya sa kanyang mga kasalanan at kakulangan. Magkagayunman, hindi naman na mababago nun ang damdamin ko para sa mga kababaihan. Masgusto ko pa rin silang mahalin. Ngunit malupit ang mundong ito. May mga bagay na hindi na nga madaling intindihin, hindi pa madaling tanggapin. Hindi ko rin alam kung alam ba ng aking mga magulang na hindi ako straight. 

Hindi naman din kasi mahahalata sa aking mga kilos at pananamit ang tinatago kong pagkatao. Hindi kasi ako cross-dresser na lesbian (tamang termino siguro sa ngayun yan na gamitin ko). Gustong gusto kong maging isang babae. Ang pananamit, ang pagkilos, ang pagiisip. Sadyang hindi lang talaga ako nagkakagusto sa lalaki at panay mga babae lang ang mga nagugustuhan ko. Hindi ko tuloy alam kung tama bang ganito at tinatago ko ang tunay kong pagkatao pero hindi ko naman kinakahiya. Kahit papaano naman ay nasasabi ko sa iba kong mga kaibigan na lesbian  ako, o masmadalas sinasabi ko na, basta hindi ako straight. 

Minsan lang kasi, pakiramdam ko nagiging unfair ako lalo na sa mga babaeng nagugustuhan o crush ko. Nagiging malapit sila sa akin pero hindi nila alam na may gusto ako sa kanila. Umaabuso ba ako? Pero kung tatanungin naman nila ako kung may gusto ako sa kanila, hindi ko naman itatanggi. Ayaw ko lang na maging awkward  ang mga bagay bagay. Ano ba kasi ang pwede at dapat kong gawin 'di ba? Magsuot ng signage na may nakalagay na "hindi ako straight"? -_-

Parang ang hirap hirap na tuloy magmahal at umibig. Parang puro takot na lang kasi ang nararamdaman ko sa ngayun eh. Takot na ma-reject at hindi maintindihan ng nakararami. Lalo pa at nananahan ako sa mundong ito na mapanghusga.

3 comments:

  1. May pagkamuhi rin ako sa mga kalalakihan, pero di ko masasabi na feminist ako. Unang-unang dahilan kung bakit - ginugulpi kasi ako ng unbiological father ko dati dahil lampayatot ako (pero ngayon di na, dahil malaki na katawan ko, ako naman manggugulpi sa kanya - JOKE). Pangalawa, tuwing makikipag-inuman ako sa mga kaibigan kong mga lalaki, di ko maunawaan kung bakit may topic na bastos tungkol sa kababaihan . . . awkward ako pag ganoon ang topic, ewan ko ba. Pangatlo, marami sa kanila ang mahilig mag'DOTA kung saan hindi ako marunong maglaro at walang kabuluhan na mag'adik sa larong iyon.

    Pero higit sa lahat, di ako naniniwalang lesbian ka, ang cute ng theme ng blog mo eh, girly na girly . . . at marami pa namang years, darating rin yung para sayo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha!!! natawa naman po ako dun sa pangalawang paragraph. :P may dahilan po kung bakit ganyan talaga ang theme ng blog ko. ibblog ko rin dito in the near future. :P tsaka yun nga, kasi may stereotyping na ang mga tao sa lesbians, na hindi naman sila girly girly, hindi mahilig sa mga cute stuffs. hindi naman po lahat ng lesbians ganun, it's all about who you really love, para sakin. :)

      And yes, I know, bata pa naman po ako, kaya I'm looking forward pa syempre sa mga pwedeng mangyari sa future. Pero what's really important for me right now is my present. Kung sinu talaga yung mahal ko po sa ngayun. :)

      Delete
  2. Palagay ko, kaya nagiging boyish ang mga babae, dahil sa mga nakapaligid na lalaki sakanila.. gaya ko, lumaki din akon may pagkamuhi sa mga kalalakihan. Minsan naiisip ko bisexual ako, tama ba ako term? Okay lang sa akin kung lalake o babae karelasyon ko. Nagkakagusto at humanga din ako sa mga kababaihan, pero alam ko hindi magiging mutual, kaya pinipili ko na lang na tumahimik

    ReplyDelete