Sunday, November 18, 2012

Kulang Pa O Sobra Na?

Sabi nga nila, minsan ka lang naman daw magmahal. Kaya kung magmamahal ka lang din naman, lubos-lubosin mo na. Ibigay mo nang lahat nang kaya mong ibigay. Kumbaga eh, love like you've never loved before  o di kaya naman eh, love like you've never been hurt before. Kahit na may ibang mga nagsasabi na huwag mo rin ibigay lahat ng meron ka at magtira ka para sa sarili mo.



Para sa akin, parang ang hirap gawin nun. Yung lilimitahan mo yung sarili mong magmahal. Yung dapat hanggang dito ka lang. Hindi ko kasi alam kung paano ba magmahal nang minimum  lang yung dapat mong ibigay. Ang sa akin lang din naman kasi, bakit ka pa magmamahal kung hindi lang din wagas. Kung hindi mo lang din ibubuhos nang sobra. Eh di ba in the first place, ang ibig sabihin ng pagmamahal at pag-ibig ay pagsasakripisyo, paglaban hanggang sa huli, pagbibigay ng buo mong lakas para lumaban.

Pero naisip ko rin, meron din naman kasi tayung tinatawag na "limitasyon". Siguro ito yung bagay na kailangang intindihin din ng mga taong sobra kung magmahal. Kagaya ko. May kasabihan nga rin tayo na lahat ng sobra ay nakakasama. Minsan hindi rin maganda ang sobrang pagmamahal. Pero paano mo ba malalaman kung sobra na o kulang pa ang mga binubuhos mong pagmamahal? Kapag ba nasasaktan ka na ibig sabihin non sobra na? At kapag ba nilayuan ka na nya at sinabing hindi sya masaya ibig sabihin non kulang pa?

1 comment:

  1. Ang hirap.. ang daming ganito daw ang gagawin etc pero hindi naman pala applicable sa partner mo. Minsan, parang kapalaran na lang talaga ang magsasabi, hindi lahat mapalad..

    ReplyDelete